Halagang ₱10-M donasyon na emergency supply ng Chinese Embassy, ibibigay sa mga nasalanta ng magnitude 7 na lindol sa Abra

Aabot sa ₱10 milyong halaga ng emergency supply ang pinagkaloob ng Chinese Embassy sa mga residente naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra.

Ang Embahada ng China at Philippines Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc., ay magkatuwang na magbibigay ng mga pang-emergency supply sa mga lugar na nasalanta ng lindol sa Pilipinas partikular sa Northern Luzon.

Naniniwala ang Chinese government na ang mga mamamayang Pilipino na tinamaan ng lindol ay muling babangon sa mga paghihirap at muling itatayo ang kanilang mga tahanan sa lalong madaling panahon.


Ang naturang donasyon ng Chinese Embassy ay isasagawa mamaya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) National Resource Operation Center Chapel Road sa Pasay City.

Facebook Comments