Halagang naibigay ng PCSO sa publiko sa ilalim ng medical access program, umabot na sa higit-44 milyong piso

Umabot na sa 44,205,622 ang halagang naibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa publiko sa ilalim ng medical access program.

Ito ay naitala mula april 27 hanggang april 30, 2020.

Sa nasabing halaga;


P 14,605,754 ang napunta sa Northern at Central Luzon Department;

P 10,040,488 ang napunta sa Southern Tagalog at Bicol Region Department;

P 8,681,957 ang napunta sa Visayas Department;

P 5,458,742 ang napunta sa Mindanao Department;

At 5,418,680 ang napunta sa National Capital Region.

Ang naturang programa ay naglalayong matulungan ang mga lubos na nangangailangang pamilya sa buong bansa lalo na ngayong laban kontra COVID-19.

Facebook Comments