Sa pagsisikap na maging Halal hub sa bansa ang ARMM, naglunsad ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture and Fisheries (DAF)ng workshop for Halal chevon (goat meat).
Sinabi ni ni Agriculture Undersecretary Atty. Ranibai Dilangalen, kailangang maipaalam sa komunidad ang tungkol sa Halal production upang lubos nilang maunawaan kahit na ang basic principles lamang nito.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng stakeholders hinggil sa Halal industry bilang umuusbong na economic phenomenon sa world market.
Pakay din nito na tuklasin ang market potentials para sa Halal chevon production at matukoy ang gaps sa supply ng chevon mula sa produksyon hangggang sa marketing.
Ang workshop ay isinakatuparan sa pamamagitan ng Philippine Rural Development Program (PRDP) I – Plan.
Dinaluhan ito ng mga involved sa processing, production and marketing ng goat meat sa loob ng rehiyon, government at non-government institutions na may mandatong tumulong na palaguin at palaganapin ang halal industry sa ARMM.(photo credit:bpiarmm)
Halal Chevon Stakeholders Workshop, Isinagawa sa ARMM!
Facebook Comments