Halal Food Industry mas pinapalakas ng Department of Agriculture

Mas papalakasin pa ang Halal Food Industry di lamang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, Cotabato City at Region 12 kundi sa buong bansa.

Itoy kasabay ng isinagawang Launching ng Banner Program ng Department of Agriculture Halal Food Industry Development Program sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa ORG Compound, Cotabato City na pinangunahan nina Department of Agriculture USec Atty. Ranibai Dilangalen , Usec Eduardo Gonggona ng BFAR, DA 12 Director Milagros Casis kasama ang iba pang mga opisyales kabilang Dr. Danda Juanday , Admin Officer ng Cotabato City.

Layun rin ng programa ay para magkaroon ng National Standard para sa Halal Products at matulungan ang mga magsasaka dagdag ni USec Dilangalen. Sinasabing kapwa ang ARMM Government at Cotabato City ay naghahangad na maging Halal Hub ng Pilipinas.


Samantala naging bisita sa okasyon si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu na nagparating ng kanyang isang daang porsyentong pagsuporta sa Halal Industry . Matatandaang ininlunsad sa bayan ng Buluan kamakailan ang kauna unahang Halal Poultry Plant.

Pinag-uusapan na rin ngayon ng mga opisyales ang gagawing Halal Summit.

Facebook Comments