HALALAN | 1/4 shading sa balota, bibilangin bilang lehitimong boto sa 2019 elections

Manila, Philippines – Muling itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa 25-percent threshold o one-fourth shading sa oval ng balota ang pagtukoy sa lehitimong boto para sa May 13, 2019 midterm elections.

Base sa Resolution Number 10419, ang pagpili sa 25% threshold ay para matiyak na walang masasayang na boto at wala ring boto na mabibilang dahil kapos sa shading.

Ang optical scanning technology o mga vote counting machine na binili mula sa Smartmatic ang gagamitin sa pagtukoy kung nakatalima ba sa threshold ang pagkakaitim sa oval para sa bawat kandidato.


Sa kabila nito, umapela pa rin ang Comelec sa mga botante na itiman pa rin nang buo ang mga oval sa balota.

Facebook Comments