HALALAN | 1900 pulis na may kamag-anak na kandidato, inilipat ng assignment

Manila, Philippines – Itinalaga sa ibang lugar ang 1900 pulis na may mga kamag-anak na tumatakbo sa Barangay at SK Elections.

Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde ito ay para matiyak na hindi makaka-impluwensya ang mga pulis na ito sa kandidatura ng kanilang mga kamag-anak.

Pero paliwanag ni Albayalde na reassignment sa mga pulis ay pansamantala lang habang nagpapatuloy ang campaign period hanggang sa pagtatapos ng halalan.


Pwede naman aniya silang ibalik sa kanilang mga dating assignments pagkatapos ng halalan.

Una nang inamin ni Albayalde na sadyang nagkakainitan sa Barangay at SK Elections dahil nagkaka-personalan ang mga magkakamag-anak at mga kaibigan na sumusuporta sa mga kandidato.

Kaya nanawagan sya sa mga kandidato na iwasang magpatayan dahil wala naman dapat pag-awayan kung paglilingkod sa bayan ang kanilang tunay na layunin.

Facebook Comments