HALALAN 2018 | Pagpapaliban sa Barangay at SK election ngayong Mayo 2018, tinatalakay na

Manila, Philippines – Inumpisahan nang talakayin ng House Committee on suffrage and electoral reforms ang panukala na nagpapaliban sa Barangay at SK election.

Apat na panukala tungkol sa postponement ng Barangay at SK election ang tinatalakay ngayon sa komite na pinamumunuan ni CIBAC Party-list Representative Sherwin Tugna.

Ito ang unang beses na naisalang sa hearing ng komite ang mga panukalang para sa Barangay at SK election postponement bagamat ang target na habulin na ipagpapaliban ay ang halalang nakatakda na sa ikalawang Lunes ng Mayo.


Tinitingnan pa kung maihahabol ang pagpapaliban sa halalan dahil ang sesyon ng kongreso ay magre-recess na sa susunod ng Linggo para sa kanilang lenten break at ang balik na nito ay sa Mayo 14.

Sa mga panukalang postponement ng paparating na Barangay at SK elections, ikinakatwiran na dapat lamang ito para maisabay na sa synchronized elections ang plebesito para sa charter change kaugnay naman sa federalismo.

Facebook Comments