HALALAN 2019 | Pambato ng PDP Laban para sa pagkasenador, paplantsahin pagkatapos ng Semana Santa

66

Manila, Philippines – Plano nina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez na magpulong pagkatapos ng Semana Santa.

Ayon kay Pimentel, paplantsahin na nila ang listahan ng posibleng pambato ng PDP Laban sa pagkasenador para sa 2019 elections.

Sabi ni Pimentel, kapag umabot sa 15 hanggang 16 ang nga pangalan na kanilang mabubuo ay isusumite na nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Diin ni Pimentel, si Pangulong Duterte ang magdidesisyon para sa pinal na senatorial slate ng PDP Laban sa darating na halalan.

Facebook Comments