Manila, Philippines – Ipinakilala na ng partido demokratiko Pilipino-Lakas
ng Bayan (PDP-Laban) ang kanilang pambato sa pagkasenador sa 2019 midterm
elections.
Sa mass oath taking ng mga bagong miyembro ng partido sa Caloocan City,
pinangalanan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kanilang mga kandidato.
Ilan sa mga ito ay sina:
· Senate President Koko Pimentel
· Dating MMDA Chair Francis Tolentino
· Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali
· Maguindanao Rep. Zajid “Dong” Mangudadatu
· Bataan Rep. Geraldine Roman
· Davao Rep. Karlo Nograles
· Presidential Spokesperson Harry Roque
· Special Assistant to the President Bong Go
Wala naman sa listahan ang mga napabalitang tatakbong senador na sina House
Majority Leader Rodolfo Fariñas, Negros Occidental Rep. Alfredo Abelardo,
Communications Assistant Secretary Mocha Uson at Philippine National Police
Chief Ronald Dela Rosa.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>