HALALAN 2022, MAIGTING NA PINAGHAHANDAAN NG PNP CAGAYAN

Cauayan City, Isabela- Pinaigting ni PRO2 Regional Director PBGen. Steve B Ludan, ang kahandaan ng kapulisan para sa nalalapit na National and Local Elections 2022 sa isinagawang unity walk at Candidates’ Forum and Peace Covenant Signing sa Bayan ng Buguey, Cagayan.

Hinimok ni Regional Director Ludan ang pulisya ng Cagayan sa ilalim ng pamamahala ni Police Colonel Renell R Sabaldica, Provincial Director na maging mapagmatyag upang matugunan ang mga hamon sa nalalapit na halalan sa Mayo, 9 2022.

Nakilahok sa naturang aktibidad ang mga Local political candidates kasama ang mga opisyales ng Commission on Elections (COMELEC) Region 2; Armed Forces of the Philippines (AFP); at local officials ng nasabing munisipalidad para makamtam ang inaasam na “Secure, Accurate, Free and Fair “(S.A.F.E.) Elections.

Samantala, patuloy naman sa pagpapaigting ng seguridad ang kapulisan ng Cagayan PPO lalo na sa pagbabantay sa mga COMELEC Checkpoints upang maiwasan ang anumang krimen lalo na ngayong panahon ng pangangampanya ng mga kumakandidato.

Facebook Comments