Halalan 2022, matutuloy pero COMELEC nakikitang magkakaroon lamang ng mababang turnout

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na matutuloy ang May 2022 National at Local Elections.

Pero sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, na posibleng magkaroon lamang ng mababang voter turnout dahil sa COVID-19 pandemic.

Maaaring matuto ang poll body mula sa ibang mga bansang nagsagawa ng eleksyon sa harap ng pandemya, maging ang karanasan ng Palawan sa pagsasagawa ng plebisito kamakailan.


Pagtitiyak ni Guanzon na kasado na ang mga paghahanda para sa nalalapit na halalan.

Ang Smartmatic ang nanalo sa bid para sa pagsasa-ayos ng vote counting machines.

Ang Comelec ay papasok sa isang government-to-government contract sa National Printing Office para sa pag-iimprenta ng mga balota.

Facebook Comments