Thursday, January 22, 2026

HALALAN 2025 SA PANGASINAN, NAGING PAYAPA AYON SA PANGASINAN PPO

Tahimik at ligtas na naidaos ang Midterm Poll Elections sa buong lalawigan ng Pangasinan ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO).

Ayon Kay Provincial Director PCol. Rollyfer Capoquian, bunsod ito ng masusing paghahanda at pinalakas na mga hakbangin tungo sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Sa datos ng tanggapan, walang naitalang anumang election-related incidents or violence sa araw mismo ng halalan.

Patuloy pang nakaalerto ang himpilan hanggang matapos ang election period katuwang ang iba’t-ibang law enforcement agencies at mga lokal na gobyerno.

Samantala, inaantabayan din ng tanggapan ang sitwasyon sa pagdedeklara ng mga nanalong kandidato sa bawat lungsod at bayan sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments