HALALAN | 8,000 barangay, 900 munisipalidad isinailalim sa PNP election watchlist

Ilang araw bago umarangkada ang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa 2019 midterms elections, tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda na ang ilalatag nilang seguridad para rito.

Sa press conference ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde sa Camp Crame, sinabi nito na ngayon pa lamang ay bumuo na sila ng special operations task group.

Layunin nito na agad ma-aksyunan ang mga elections issues lalong lalo na ‘yung mga harassment at election violence.


Ayon pa kay Albayalde, halos 8,000 barangay at 900 munisipalidad, nasa ilalim na ngayon ng PNP election watchlist.

Pinakamarami aniya rito ay mula sa ARMM.

Sa inilabas na calendar of activities ng Commission on Elections (COMELEC) aarangkada ang filing ng COC sa darating na October 11 hanggang 17.

Facebook Comments