Manila, Philippines – Halos syamnapung porsyento sa kabuuan bilang ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang idedeploy sa mga voting precinct para sa gaganaping Barangay at Sangguniaan Kabataan (SK) Election sa May 14, 2018.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, aniya katumbas ng syamnapung porsyento ay 150 hanggang 160 libong mga pulis.
Itatalaga ang mga ito sa mga voting precinct upang tiyaking magiging payapa ang halalan sa bawat presinto.
Aniya mayroon ngayong 5744 na mga election watchlist kaya kailangan ang mas maraming tao sa field.
Nilinaw naman ni Albayalde na hindi pa maikokonsiderang election hotspots ang 5744 na mga lugar dahil patuloy pa ang validation sa mga naitalang election violence incidents.