Manila, Philippines – Sisimulan na sa Sabado, Disyembre 1 ang paghahain ng aplikasyon para sa election gun ban exemption.
Ayon kay Commission on Election (Comelec) spokesperon James Jimenez, bukas ang lahat ng tanggapan ng Comelec mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 para tumanggap ng aplikasyon.
Aniya, dadaan sa mahigpit na pag-aaral ng Comelec ang mga aplikasyon.
Ang mga kwalipikadong indibidwal ay maaring humiling ng exemption sa gun ban sa pamamagitan ng paghahain ng Certificate of Authority (CA) sa Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel (CBFSP) ng Comelec.
Kung walang certificate of authority, bawal ang pagdadala at pagbiyahe ng baril at iba pang uri ng armas sa kasagsagan ng election period.
Itinakda ng Comelec ang election period mula January 13 hanggang June 12, 2019.