Manila, Philippines – Naging matagumpay at mapayapa ang pagsagawa ng Barangay at SK Elections.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, walang nangyaring ‘failure of elections’ at 100% operational ang lahat ng poll precincts sa buong bansa.
Pero aminado si Jimenez, na nakapagtala pa rin ng election related violence incidents kung saan pito lang ang kanilang kinumpirmang may kaugnayan sa halalan.
Nilinaw din ni Jimenez, na ang 33 naitalang patay sa loob ng election period ay hindi nangangahulugang konektado sa eleksyon.
Nasa 1,000 kandidato ang sususpendihin nila dahil lumalabas na ilan sa mga tumakbo ay over age na habang ang iba naman ay hindi rehistradong botante.
Hindi nila hahayan na makaupo sa pwesto ang mga kandidato na hindi naging totoo noong filing pa lamang ng COC.
Naniniwala rin ang COMELEC na mataas ang voters turn-out ngayong eleksyon.