HALALAN | Bilang ng election related killings, umabot na sa siyam ayon sa PNP

Manila, Philippines – Umabot sa siyam na election-related killings ang naitala ng Philippine National Police (PNP), dalawang linggo bago ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, ang unang election-related violent incident ay nangyari noong April 15, isang araw bago ang pagpapatupad ng nationwide gun ban.

Mula sa siyam na namatay, apat dito ay barangay captains, habang ang natitira ay mga barangay councilors, at mga tagasuporta.


Mayroon namang pitong sugatan na patuloy nagpapagaling sa ospital.

Nangyari ang mga insidente sa Calbayog City, Roxas City, Saranggani, Surigao del Sur, Bulacan, Compostela Valley, Laguna, Abra, Samar, Romblon, Sultan Kudarat at Cavite.

Base sa record ng PNP, nasa 5,744 barangay sa buong bansa ang kabilang sa election watch list.

Facebook Comments