Manila, Philippines – Aabot sa higit 2.5 million na indibidwal ang naghain ng kanilang aplikasyon para sa voters’ registration sa Commission on Elections (COMELEC).
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – ito ay base sa kanilang tala mula July 2 hanggang September 29.
Nilampasan nito ang 1.5 hanggang 2 million projection na ginawa ng poll body.
Pero sinabi ni Jimenez – hindi pa maituturing na rehistrado para makaboto sa susunod na taon ang mga biometrics na isinagawa sa local COMELEC offices.
Aniya, bawat application ay susuriin pa ng Election Registration Boards (ERB) para matiyak na kwalipikadong bumoto ang isang aplikante.
Facebook Comments