HALALAN | Bilang ng mga namatay na may kaugnayan sa Barangay at SK Elections, umabot na sa 15

Manila, Philippines – Umabot sa 15 ang nasawi na may kaugnayan nitong Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Ito ay batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula April 14 hanggang Mayo 20.

Sa nasabing 15 nasawi, 8 ang sibilyan, tatlo ang elected government officials, dalawa ang kandidato at dalawa ang dating politiko.


Ayon sa PNP, sa 55 mga na-identified nilang mga suspek, tatlo pa lang sa mga ito ang naaresto.

Nakapagtala naman ang PNP ng 11 election-related incident kung saan karamihan ay may kaugnayan sa pamamaril.

Facebook Comments