HALALAN | Bilang ng mga namatay sa election related violence, nasa 22 na ayon sa PNP

Manila, Philippines – Umakyat na sa 22 indibidwal ang namamatay dahil sa insidente ng karahasan na may kinalaman sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election.

Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde, sa 28 election violence, lima naman ang naitalang sugatan sa umiinit na banggaan ng magkakalabang partido.

Aniya, ang nasabing bilang ay naitala simula Abril 14 hanggang Mayo 8 ng taon.
Sabi ni Albayalde, inilipat na ang nasa 1,900 pulis na kaanak o kaibigan ng mga kandidato sa ibang lugar para maiwasang maimpluwensiyahan ang halalan.


Giit pa ni Albayadlde, 160,000 pulis ang ide-deploy ng PNP sa mismong araw ng halalan.

Iniutos na rin aniya niya ang dagdag na mga checkpoint sa election hotspots at mga kritikal na lugar.

Sa mahigit 7,000 nai­deklarang election hotspots, nasa 600 barangay ang “areas of immediate concerns” kabilang dito ang lalawigan ng Abra, Masbate, Bulacan at Maguindanao.

Facebook Comments