Manila, Philippines – Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang calendar of activities nito para sa 2019 midterm elections.
Itinakda ang election period mula January 13 hanggang June 12, 2019.
Ang araw ng halalan ay gaganapin sa May 13, 2019
Magsisimula naman ang campaign period sa mga tatakbo sa pagkasenador at party-list groups sa February 12, 2019 hanggang May 11, 2019.
Ang simula naman ng kampanya para sa mga tatakbong kongresista, regional, provincial, city at municipal offices ay gaganapin sa March 30 hanggang May 11, 2019.
Iiral ang liquor ban sa May 12 hanggang 13, 2019.
Ang paghahain naman ng certificates of candidacy (COC) ay itinakda sa October 11 at 12 at October 15 hanggang 17, 2018.
Facebook Comments