HALALAN | Coach Guiao, tuloy ang pagtakbo sa midterm elections

Manila, Philippines – Itutuloy ni coach Yeng Guiao ang kanyang pagtakbo sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Ito ay sa kabila ng pagiging coach ng NLEX Road Warriors at ng Team Pilipinas.

Ayon kay Guiao, maghahain ito ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa susunod na linggo kung saan tatakbo itong muli bilang kinatawan ng unang distrito ng Pampanga.


Sa kabila nito, inaasahan pa ring si Guiao ang hahawak sa national team sa next window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Nobyembre 30 at Disyembre 3 kung saan kanilang haharapin ang Kazakhstan at Iran.

Nabatid na dati nang naging board member at vice governor ng Pampanga si Guiao bago ito mahalal bilang kongresista noong 2013.

Facebook Comments