HALALAN | COMELEC, gagamitin ang VRVS para sa 2019 midterm elections

Manila, Philippines – Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na gagamitin ang Voter Registration Verification System (VRVS) para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, magpapakalat sila ng 32,067 na VRVS units sa mga tutukuying pilot areas sa botohan sa May 2019.

Sinabi ni Jimenez na makatutulong ang sistemang ito laban sa mga flying voter kung saan naglaan ng P1.16 billion na pondo ang gobyerno para sa VRVS.


Sa araw ng botohan, ang mga botante ay hindi na kailangang magpakita ng kanilang ID sa election officer kung mayroong VRVS sa polling precinct.

Kailangan na lamang nilang ipa-scan and kanilang fingerprint sa VRVS para matukoy ang kanilang pagkakakilanlan at matutukoy na kung ang botante ay rehistrado o hindi.

Facebook Comments