HALALAN | COMELEC, ikinokonsidera ang mataas na voters turnout sa katatapos na Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Ikinokonsidera ng Commission on Elections (COMELEC) na mataas ang voters turnout sa 2019 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sabi ni COMELEC Spokesman Director James Jimenez, kahit wala pang opisyal na bilang lumalabas na marami ang bumoto sa halalan.

Wala rin aniyang naitalang malaking problema dahil hindi sila nagdeklara ng failure of elections sa anumang lugar.


Pinalawig lang aniya ang oras ng pagboto sa ilang polling precincts na hindi kaagad-agad nagbukas sa takdang oras.

Nanindigan din si Jimenez na ang delay sa botohan ay hindi dahil sa paghahanda ng COMELEC kundi dahil sa ibang bagay.

Facebook Comments