HALALAN | COMELEC, inaayos na ang muling pagbubukas ng voters registration para sa 2019 elections

Manila, Philippines – Isinasapinal na ng Commission on Elections (COMELEC) ang muling pagbubukas ng voters’ registration para sa 2019 national and local elections.

Ayon sa COMELEC, abala na sila sa kanilang preparasyon para sa pagtatala ng mga bagong botante sa buwan ng Hunyo o Hulyo ngayong taon.

Gayunman, sinabi ng COMELEC na wala pang pinal na petsa sa pagbubukas ng voters’ registration.


Huling nagdaos ng voters’ registration ang COMELEC noong Nobyembre 6 hanggang 30 ng 2017 para sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Facebook Comments