Manila, Philippines – Maglalabas ang Commission on Elections (Comelec) ng mga bagong panuntunan o guidelines para ma-regulate ang paggamit ng social media para sa kampanya ng mga kandidato sa nalalapit na 2019 Midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, papaigtingin ang monitoring sa expenses ng mga kandidato sa social media.
Sa ilalim ng kasalukuyang election rules, ang mga pulitiko ay kailangang limitahan ang kanilang campaign spending bawat botante at dapat makapagsumite sa Comelec ng kanilang campaign expenditures manalo man o matalo sa halalan.
Pinag-aaralan na rin ng poll body ang posibilidad ng paggamit ng ‘troll farms’
Una ang inamin ng Comelec na hirap silang limitahan ang paggamit ng mga kandidato sa social media sa kampanya dahil sa kawalan ng kaukulang batas.