HALALAN | COMELEC, may paalala sa mga botante sa Barangay at SK Election

Manila, Philippines – Dalawang araw bago ang Barangay at Sangguinang Kabataan Elections, nagbigay ng mga paalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga botante.

Ayon kay COMELEC Director Teofisto Elnas, dapat tiyakin ng mga botante na tama ang kanilang gagamiting balota.

Aniya, itim ang tinta ng balota para sa Barangay habang pula ang sa SK.


Dapat din aniyang siguraduhin ng mga botante na tama ang posisyon at pangalang isusulat sa balota.

Nagpaalala rin ang COMELEC na bawal mag-selfie sa loob ng mga presinto, bawal kuhanan ang balotang may mga pangalan na at pagbabawal na magpost sa social media.

Magtatalaga naman ang ahensiya ng mga accessible na polling precinct sa bawat polling center para sa mga senior citizen, buntis, at person with disabilities.

Nanawagan naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga pulis na huwag nang makihalo sa pulitika at siguraduhin na lang na maging mapayapa ang halalan.

Facebook Comments