HALALAN | COMELEC, naghahanap na ng technology provider para sa 2019 midterm polls

Manila, Philippines – Binuksan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bidding para sa technology provider ng election results secure transmission solutions, management and related services bilang bahagi ng paghahanda sa automated elections sa May 2019.

Naglaan ang COMELEC ng mahigit isang bilyong piso para sa nasabing proyekto.

Ang mga bidder ay dapat nakakumpleto na ng kontrata sa kaparehong proyekto sa nakalipas na pitong taon.


Limitado lamang ang open competitive bidding sa mga kumpanya na pag-aari ng mga Pilipino.

Ang mga interesadong lumahok sa bidding ay maaring bumili ng kumpletong set ng bidding document na nagkakahalaga ng P75,000 hanggang sa July 13, 2018.

Magdaraos ang BAC ng pre-bid conference sa June 29, 2018 at ang bid opening ay itinakda naman sa July 13, 2018.

Facebook Comments