Manila, Philippines – Binuksan na ng COMELEC ang bidding para sa pag-upa ng mahigit 97 libong external battery na gagamitin sa mga biniling vote counting machines mula sa smartmatic.
Sa invitation to bid ng COMELEC, naglaan ang ahensya ng halos P175 million para sa uupahang mga baterya.
Ang pagsusumite ng bidding documents ay itinakda hanggang July 2, 2018.
Samantala, naghahanap na rin ang COMELEC ng supplier para sa mahigit 104 libong secure digital o SD card at 104-thousand din ng mga WORM SD card na may budget na P167.5 million.
Binuksan na rin ng poll body ang bidding para sa mahigit isang milyong suplay ng thermal paper na may budget naman na P117.4 million.
Itinakda ng bids and awards committee ang deadline para sa pagsusumite ng bid documents hanggang sa July 2, 2018.