HALALAN | COMELEC, nakatanggap ng higit 17,000 certificates of candidacy sa mga tatakbo ng Barangay at SK elections

43

Manila, Philippines – Umabot na sa 17,481 na Certificates of Candidacy (COC) ang naihain para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), 13,982 na COC ay para sa Barangay Elections habang ang 3,499 ay sa Sangguniang Kabataan polls.

Sa Barangay Elections, kabuuang 1,986 ang tatakbo para sa barangay chairman positions habang 11,996 para sa barangay kagawad.

Kakandidato naman ang 845 para sa SK chairman at 2,654 para naman sa SK kagawad.

Maaari namang maghain pa ng COC’s hanggang sa Biyernes, April 20.

Facebook Comments