HALALAN | COMELEC, nilinaw na hindi requirement sa paghahain ng Certificate of Candidacy ang pagsusumite rin ng biodata at plataporma

Manila, Philippines – Nilinaw ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi na kailangan ng mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections na isama ang kanilang biodata at campaign platforms sa paghahain nila ng Certificates of Candidacy (COC).

Ito ay matapos makatanggap ng mga ulat na nadagdagan ang requirements sa pagsusumite ng COC.

Sa twitter post ng poll body, ang tanging kailangan ng mga elections officer ay ang COC forms lamang.


Pero paglilinaw din ng COMELEC, tatanggapin pa rin nila ang mga nasabing dokumento kung nais ng aspirant na magpasa.

Matatandaang hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang COMELEC na gawing requirement ang pagsusumite ng biodata o resume.

Facebook Comments