HALALAN | COMELEC, nilinaw na maari nilang isailalim sa kanilang kontrol ang mga tinukoy na elections hotspots kung kinakailangan

Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nangangahulugang sasailalim na sa kanilang kontrol ang mga election hotspots na nasa code ‘red’.

May kaugnayan ito sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, maaring kontrolin ng poll body ang anumang lugar kung ito ay kinakailangan.


Hindi aniya nila binabatayan ang color precondition para sila ay magdesisyon kung hahawakan nila ang lugar.

Paglilinaw ni Jimenez, maaring kontrolin ng COMELEC ang lugar kung mayroong matinding away pulitika sa pagitan ng mga kandidato, political factions o parties, kung mayroong presenya ng paramilitary forces, private armies o armadong grupo na balak guluhin ang mapayapa, tapat, maayos na halalan.

Una rito, tinukoy ng COMELEC sa pamamagitan ng color codes ang mga election hotspots sa bansa.

Facebook Comments