Manila, Philippines – Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na bumili ng higit 72,000 ballot boxes para sa may 2019 midterm elections.
Paliwanag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, marami pa rin kasing mga ballot box ang ginagamit dahil sa mga nakabinbing electoral protest, kabilang ang kaso ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Aniya, hindi nila maaring gamitin ang mga ito sa papalapit na halalan.
Nabatid na nag-isyu ng Precautionary Protective Order (PPO) ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na nag-aatas sa poll body para sa pagpapanatili at pagprotekta sa integridad ng mga ballot box at mga laman nito tulad ng balota, voter’s receipts at election returns.
Facebook Comments