Manila, Philippines – Sinimulan na ngayong araw ng Commission on Elections (COMELEC) ang paghahanda para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, maaga nilang sisimulan ang preparasyon para mas maaga rin nilang malaman kung ano ang mga gusot na kailangang masolusyunan sa lalong madaling panahon.
Pinag-iisipan din ng COMELEC ang muling pagsasagawa ng voter’s registration para masigurong makakaboto ang lahat ng mga kwalipikadong botante.
Nagpapatuloy naman ang registration para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa humigit-kumulang 1.6 million.
Umaasa si Jimenez na magiging maayos ang midterm elections gaya ng katatapos lang na Barangay at SK Elections.
Facebook Comments