Manila, Philippines – Target ng Commission on Elections (COMELEC) na gawin ang Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Marawi City, Lanao del Sur sa darating na Setyembre.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hinihintay na lamang na aprubahan ng COMELEC en banc ang rekomendasyon na makapagdaos ng halalan doon.
Aniya, isinailalim na rin nila sa pagsusuri ang lugar at nasa “stable” na kondisyon na ang mga ito.
Maliban rito, magsasagawa rin sila ng malawakang information campaign sa Agosto para sa mga residente tungkol sa pagsasagawa ng halalan.
Una nang ipinagpaliban ang eleksyon sa Marawi City dahil sa banta ng seguridad bunsod ng nangyaring giyera sa pagitan ng Maute–ISIS group at tropa ng pamahalaan.
Batay sa datos ng COMELEC, aabot sa mahigit 600 botante ang rehistrado sa Lanao del Sur.