Manila, Philippines – Nananatiling nakatuon ang Commission on Elections (COMELEC) sa paghahanda para sa 2019 midterm elections.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mas mainam na kanselahin ang 2019 elections para matiyak ang pagkakapasa ng federal constitution at maayos na pagpapapalit ng sistema ng pamahalaan.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, patuloy na naghahanda ang poll body para sa 2019 national and local elections.
Aniya, wala pa namang ginagawang hakbang si Alvarez para ma-postpone ang halalan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang voters’ registration para sa mga boboto sa 2019 elections na magtatagal hanggang Setyembre.
Facebook Comments