HALALAN | COMELEC, umaasang mababawasan ng violent incidents sa may 2019 midterm elections

Manila, Philippines – Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na mababawasan ang karahasan sa may 2019 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, napansin nilang nagiging mapayapa ang poll exercises mula nang ipinakilala ang automated election system noong 2010.

Tumanggi namang magbigay ng komento si jimenez kung magiging madugo ang papalapit na halalan lalo’t sunud-sunod ang pagpatay sa mga local government officials.


Kabilang sa mga pinaslang na local officials ay sina: Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili; General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan.

Facebook Comments