Tatakbo bilang kongresista sa 2019 midterm elections si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Ito ang ibinunyag ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Mayor Sara – ire-representa ni Polong ang unang distrito ng lungsod ng Davao.
Siya naman aniya ay tatakbo bilang re-electionist mayor ng lungsod.
Nabatid na nagbitiw bilang bise alkalde ng Davao City si Paolo kasunod ng pagdadawit sa kanya ni Senator Antonio Trillanes sa lumusot na ₱6.4 billion shabu shipment.
Facebook Comments