HALALAN | Dating Makati mayor at VP Jejomar Binay muling sasabak sa eleksyon

Inanunsyo ni incumbent Makati City Mayor Abigail Binay na muli siyang tatakbo bilang alkalde ng lungsod sa 2019 midterm elections.

Sinabi ito ng alkalde sa flag raising ceremony kaninang umaga.

Kinumpirma din nitong kasama sa kanyang tiket ang kanyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay.


Tatakbo aniya ang kanyang ama bilang kinatawan ng unang distrito ng Makati.

Naglingkod si dating Bise Presidente Binay bilang alkalde ng Makati mula 1986 hanggang 1998 at mula 2001 hanggang 2010.

Facebook Comments