HALALAN | Dating Senador Bongbong Marcos, hindi tatakbo sa 2019 midterm senatorial elections

Manila, Philippines – Nanindigan si dating senador Bongbong Marcos na hindi siya tatakbo sa pagka-sendor sa 2019 midterm election.

Ayon kay Marcos, ang kanyang kapatid na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang posibleng tumakbo sa senatorial race.

Aniya, ipagpapatuloy lang niya ang kanyang protesta laban kay Vice President Leni Robredo.


Makakaapekto kasi aniya sa kanyang electoral protest kung tatakbo siya sa halalan dahil kailangan niyang isuko ang kanyang laban.

Bagama’t aminadong matagal ang proseso, giit ni Marcos, determinado siyang tapusin ito hanggang sa dulo.

Facebook Comments