HALALAN | DepEd, nakikipag-ugnayan na sa PNP para sa seguridad ng mga guro na magbabantay sa Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Ngayong ilang araw na lamang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakikipag uganayan na ngayon ang Department of Education (DepEd) sa Philippine National Police (PNP) para sa seguridad ng mga guro na magbabantay at mangangasiwa ng paparating na halalan.

Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, ito ay kasunod narin ng mga nakalipas na sitwasyon kapag eleksyon na nadadamay sa mga nagbabanggaang pulitiko ang mga guro.

Sinabi pa ni Umali na patututukan nila ang mga polling precinct na kabilang sa election hotspots.


Una nang sinabi ng opisyal na maraming guro ang natatakot na magsilbi tuwing halalan dahil sa lumalalang election violence sa ating bansa.

Facebook Comments