HALALAN | DILG, inatasan na ang PNP na paigtingin na ang checkpoints sa mga election hotspots

Manila, Philippines – Ngayon pa lang, iniutos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na higpitan na ang pagpapatupad ng regular checkpoints at iba pang security measures sa lahat ng election hotspots sa buong bansa.

Ayon kay DILG OIC Secretary Eduardo Año, habang papalapit ang halalan hindi raw maiwasan na tumaas ang political tension sa mga barangays lalo na sa mga kandidato at supporters.

Ang direktiba ay inilabas ng DILG bilang suporta sa Commission on Elections (COMELEC) sa pagganap ng mga tungkulin nito sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14, ngayong taon.


Sinabi ni Año, kailangan tiyakin ng PNP ang karagdagang deployment ng pulisya sa mga areas sa bansa na may history na ng election-related violent incidents.

Base sa datus ng PNP, umaabot sa 5,744 barangays sa buong bansa ang nasa elections watch list nito hindi pa kasama ang ilang lugar sa Metro Manila.

Facebook Comments