Manila, Philippines – Tiniyak ng sa European Union Missionaries ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magiging tahimik at transparent ang 2019 Midterm Elections sa Mayo.
Ginawa ni DILG Secretary Eduardo Año ang pagtiyak kasunod ng pagbisita ng mga miyembro ng European Union Exploratory Mission sa DILG Central Office.
Ang mga EU Missionaries ang magsisilbing observer sa sitwasyon at mga paghahanda sa halalan at plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Aniya ang presensiya ng EU Missionaries ay isang magandang oportunidad para sa pamahalaan para ipakita sa buong mundo na kayang maidaos ang isang ligtas at maayos na halalan.
Sinabi naman ni DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing III na tinututukan pa rin ng pamahalaan ang ilang remnants ng Maute Group, Abu Sayyaf Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na hindi inaalis ang posibilidad na manabutahe sa halalan at plebisito.