Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang rules and regulations sa paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa May 2019 national and local elections.
Ayon sa COMELEC, ang filing ng COCs ay magsisimula sa October 1 hanggang October 5, 2018 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Base sa Resolution No. 10420, walang sinuman ang maaring tumakbo sa posisyon ng pagka-senador, kongresista, provincial, city, municipal, o ARMM regional official kung hindi nakapaghain ng sworn COC na siyang iniutos ng komisyon.
Ang mga indibidwal na humahawak ng isang public appointive office o position, kabilang ang mga aktibong miyembro ng AFP at iba pang tauhan at empleyado ng Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs) ay ikukunsiderang nag-resigned sa kanilang pwesto sa pagsisimula ng COC filing.
Pero ang mga elected officials naman ay hindi ikukunsiderang resigned.
Paalala pa ng poll body na ang COCs ay hindi pwedeng ipadala sa pamamagitan ng mail, e-mail o facsimile.