HALALAN | Final list para sa senatorial, partylist race, inaasahang ilalabas na ngayong araw

Manila, Philippines – Target ng Commission on Elections (Comelec) na maihabol ngayong araw ang paglalabas sa pinal na listahan ng mga kandidatong papayagang tumakbo sa senatorial at party-list race.

Pero ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez – kahit makasama ang ilan sa balota, maaari pa rin itong mabawasan.

Paliwanag niya, may mga hindi pa nareresolbang isyu sa ibang kandidato kaya sa huli, posibleng mas kaunti pa kumpara noong 2016 ang mapayagang tumakbo.


Habang sa partylist, may mga hiwalay na usapin pa rin tungkol sa ilang grupo na may isyu sa kanilang kinatawan o kaya sa dokumentong naisumite.

Noong 2016, nasa 170 ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) pero 50 lang ang pinayagang tumakbo.

Kaya sa 148 na nagpatala sa senatorial race, inaasahang malaking bilang pa ang matatanggal.

Facebook Comments