HALALAN | Halos 500 kandidato, nahaharap sa perpetual disqualification

Manila, Philippines – Pumalo na sa 460 na kandidato ang nahaharap sa perpetual disqualification cases.

Ito ay dahil sa kabiguang magsumite ng Statements of Contribution and Expenditures (SOCE).

Base sa record ng campaign finance office ng Commission on Elections (Comelec), kalahati sa nabanggit na bilang ay nagmumula sa ARMM.


Kabilang din sa listahan ng 2016 subsequent offenders ay si dating Sen. Serge Osmeña na kamakailan ay naghain ng kanyang Certificates of Candidacy (COC) sa pagka-senador para sa 2019 midterm elections.

Sakop ng report ang 2007, 2010, 2013 at 2016 polls.

Facebook Comments