HALALAN | Halos 700,000 Barangay at SK post, kinakailangang mapunan ngayong halalan ayon sa COMELEC

Manila, Philippines – Nasa 671,168 na pwesto ang kailangang punan ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa datos ng COMELEC, 41,948 ang pupunahing pwesto para sa barangay chairmanship at 293,636 para sa barangay council.

Mayroong 41,948 post para sa SK chairperson habang 293,636 para sa SK kagawad.


Aabot sa higit 78 milyon ang rehistradong botante kung saan higit 20 milyon para sa SK habang nasa 57.3 million voters para sa barangay.

Facebook Comments