Umabot na sa halos 8,000 barangay sa buong bansa ang idineklarang Election Hotspots ilang araw bago ang May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 7,915 barangay ang kabilang sa Election Hotspots.
Karamihan dito ay matatagpuan sa ARMM na may 1,415.
Kasunod na may pinakamaraming election hotspots ay ang Bicol region na may 1,304 barangay at Soccsksargen na may 629 barangay.
Ang Metro Manila o National Capital Region (NCR) ang may kakaunting election hotspots na May 26.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, ang mga election hotspots ay kailangan ng mataas na presensya ng mga pulis at sundalo.
Aabot na sa 163,000 na pulis na ang ipinakalat sa buong bansa para masiguro ang seguridad ng mga polling centers.