HALALAN | Honoraria para sa mga gurong magsisilbi ngayong eleksyon, hiniling na ibigay agad

Manila, Philippines – Pinatitiyak ni Kabayan Representative Ron Salo sa Department of Education (DepEd) na makukuha ng mga guro na magsisilbi sa Barangay at SK election ang kanilang honoraria.

Ayon kay Salo, pangunahing concern ng mga guro ngayong nalalapit na halalan ay kung kailan nila makukuha ang pangakong honoraria at allowance.

Mababatid na noong 2016 presidential election, delayed ng ilang buwan ang inaasam na honoraria at ang ibang bayad para sa mga public school teachers.


Giit ni Salo, dapat ay tuparin ng DepEd ang pangako na sa loob ng 15 days o mula sa araw ng halalan sa May 14 hanggang May 31 ay dapat naibigay na sa lahat ng mga guro sa buong bansa ang kanilang honoraria.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga guro na magsisilbing Chairperson of Electoral Boards ay makakatanggap ng P6,000, Ang mga myembro naman ng electoral boards ay P5,000, ang DepEd Supervisor Officials ay P4,000 habang ang support staff ay P2,000.

Inaasahan din ang dagdag na P1,000 para sa travel allowance ng mga guro at iba pang benepisyo tulad ng legal identification package na P50,000, P200,000 medical assistance at election-related death benefit na aabot sa P500,000.

Facebook Comments