Manila, Philippines – Tatargetin ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ang mga flying voters ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na operasyon kontra kolorum at out of line na mga sasakyan, maiiwasan aniya ang mga ‘hakot’ voters.
Bukod dito, sisiguruhin din ng ng I-ACT katuwang ang Department of Transportation (DOT) ang ligtas na byahe para sa mga botante.
Posible namang makasuhan ng violation of omnibus election code ang sinumang mahuhuling naghahatid ng mga flying voters.
Facebook Comments